MESSAGE
Mga minamahal kong kababayan, ako po ay malugod na bumabati sa  inyong isang masagana at mapagpalang bagong taon.  Sa pagbubukas po ng taon na ito, isang malaking hamon po ulit ang aming  haharapin para sa mas maunlad at matapat na paninilbihan sa pamamagitan ng  aming mga adhikain. Ako po, kasamaang miyembrong sanggunian ay lubos na  nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal, pagsuporta at  patuloy na pagtangkilik sa ating pamahalaan. Ang bawat proyekto po na  aming ipinatutupad ay hindi maisasagawa kung wala ang inyong tulong at  pagsuporta, kaya’t kapalit po nito ay isangmahusay at maayos na serbisyo para  sa ating lahat.   Muli po akong nagpapasalamat sa inyo at asahan po ninyo na gagampanan  po namin ang aming mga tungkulin na iniatang sa amin at higit sa lahat sa  ating bayan. Mabuhay po tayong lahat! 
Hon. MA. MEDINA C. VILLAREAL Pangalawang Punong Bayan
Home Municipal Officials Programs & Services LGU Projects Full Disclosure Policy Organizational Structure Tourism Forum